October 06, 2024

Home SPORTS

French pole vaulter, inalok ng adult website dahil sa sumabit na 'dakota nota' niya

French pole vaulter, inalok ng adult website dahil sa sumabit na 'dakota nota' niya
Photo courtesy: Screenshots from Matt Mariano (FB)/Anthony Ammirati (IG)

Naging usap-usapan ang video ng pambato ng France na si Anthony Ammirati matapos mabigong manalo para sa pole vault event dahil sa isang bahagi ng katawan niyang sumabit sa bar.

Kitang-kita sa video ang pagsabit ng kaniyang pagkalalaki sa bar na naging dahilan para mapurnadang makasungkit ng medalya sa nabanggit na kompetisyon sa 2024 Paris Olympics.

Pero bago ang pagsabit ng kaniyang "dakota nota," nauna munang sumabit sa crossbar ang kaniyang mga tuhod.

Naging "katatawanan" naman ito sa social media dahil tila sa pagkakataong ito ay hindi raw nakatulong sa atleta ang pagkakaroon ng malaking pag-aari dahil ito pa raw ang dahilan kung bakit siya natalo sa nabanggit na kompetisyon.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Sa panayam sa kaniya matapos ang paglagapak sa 12th place, ipinahayag ng atleta ang "big disappointment" niya sa nangyari.

Sa latest report naman ng international media outlet na "TMZ" na naibalita na rin sa iba't ibang media outlet sa ibang bansa, matapos pagpiyestahan ang notabels ng atleta ay inalok daw ito ng isang adult website para ipakita ang kaniyang maipagmamalaki.

May offer daw na $250,000 para sa kaniya na kung iko-convert sa piso ay papalo sa ₱14,464,000.

"As a lover of crotch-centric activities, I’d love to offer you up to $250,000 in exchange for a 60-minute webcam show in which you show off your goods, minus the crossbar, of course," saad daw ni CamSoda vice president Daryn Parker sa ipinadalang offer letter kay Ammirati.

Hindi naman nabanggit sa mga ulat kung tinanggap ba ni Ammirati ang alok sa kaniya ng porn site.

MAKI-BALITA: French pole vaulter natalo matapos sumabit ang 'notabels' sa bar