October 06, 2024

Home SPORTS

'Drama queen mother' huwag bigyan ng media space, sey ni Jose Javier Reyes

'Drama queen mother' huwag bigyan ng media space, sey ni Jose Javier Reyes
Photo courtesy: Joey Javier Reyes (FB)/Angelica Poquiz Yulo (FB)

May pakiusap sa media ang batikang film director at kasalukuyang chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na si Jose Javier Reyes patungkol sa ina ni two-time Olympics gold medalist at Filipino pride gymnast Carlos Yulo matapos ang usap-usapang isyu nilang mag-ina.

Pinagpipiyestahan na kasi sa social media at mga balita ang patungkol sa hidwaan nilang dalawa na nag-ugat sa usapin ng pera at kasintahan daw ni Caloy na si content creator Chloe San Jose.

Pakiusap ng direktor na huwag na raw sanang bigyan ng "media space" ang ina ni Carlos na tinawag niyang "drama queen mother."

"My dear colleagues in media:"

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

"He just lifted the spirit of the nation by winning TWO OLYMPIC GOLD MEDALS. The people are overwhelmed with pride and joy."

"So please don't give media space to a drama queen mother who wants to tarnish the moment of GLORY of HER OWN SON regardless of personal reason."

"She and her narrative should be collectively IGNORED," anang direktor.

Sa huli, nagbigay-pugay si Direk Joey kay Caloy at sa lahat ng mga atletang Pilipino.

Joey Reyes - My dear colleagues in media: He just lifted the... | Facebook

Sa panayam ng "24 Oras" ng GMA Network ay inamin ni Angelica na hindi sila magkaayos ngayon ng anak.

Nang tanungin kung makikipag-ayos siya sa anak kapag bumalik na ito sa Pilipinas, tahasang sinabi ng nanay na depende, dahil baka makarinig daw siya na kesyo kaya lang siya nakikipaglapit ulit sa anak ay dahil sa mga tumataginting at limpak-limpak na premyo at cash incentives nito.

MAKI-BALITA: Angelica Yulo 'di lalapit at makikipag-ayos sa anak na si Carlos, bakit kaya?

MAKI-BALITA: Madir ni Carlos Yulo ninakaw, nilustay, at winaldas pera ng anak?

MAKI-BALITA: Mudra ni Carlos Yulo, aminadong may tampo pero masaya sa tagumpay ng anak