September 17, 2024

Home SPORTS

Carlos nagsalita na sa hidwaan nila ng nanay niya; sariling pera, itinago raw sa kaniya?

Carlos nagsalita na sa hidwaan nila ng nanay niya; sariling pera, itinago raw sa kaniya?
Photo courtesy: Chloe San Jose (TikTok)/Screenshot from 24 Oras (YouTube channel)

Nagsalita na ang two-time Olympics gold medalist at Filipino pride gymnast na si Carlos Yulo tungkol sa mga isyung kinasasangkutan nila ng inang si Angelica Yulo.

Sa "side of story" nila ng kaniyang girlfriend na si Chloe San Jose na naka-upload sa kaniyang social media accounts ay ipinaliwanag ni Caloy ang dahilan kung bakit sila nagkagalit ng kaniyang ina.

Nag-react si Caloy sa mga panayam ng kaniyang ina kaugnay sa mga usaping pera, lalo na sa mga natanggap niya. Isa na rito ang hindi raw pagsasabi sa kaniya ng nanay niya na natanggap na nito ang ₱70k cash incentive sa World Championship 2021, na aniya ay 2022 raw talaga.

Ang pagkakaalam daw ni Caloy ay nasa 6-digits ang nakuha niya roon dahil dalawa ang nakuha niyang medalya, subalit hindi raw ito sinabi sa kaniya ng ina nang umuwi siya sa Pilipinas noong Disyembre.

₱5M-worth na SUV ni Caloy, naibigay na ng Toyota

"Hindi ko pa po malalaman na na-receive na pala niya ang incentives ko kung hindi ko pa po hinanap," ani Caloy.

Hindi na raw napasakamay ni Caloy ang nabanggit na cash incentives at hindi na rin hiningi sa kanila. Ang sa kaniya lang naman daw, gusto niya malaman kung saan napunta ang pera na kung tutuusin ay pinaghirapan niya. 

our side of the story... - Chloe Anjeleigh San Jose | Facebook