December 22, 2024

Home SPORTS

Angelica Yulo 'di lalapit at makikipag-ayos sa anak na si Carlos, bakit kaya?

Angelica Yulo 'di lalapit at makikipag-ayos sa anak na si Carlos, bakit kaya?
Photo courtesy: Screenshot from 24 Oras (YouTube)/via Manila Bulletin Sports

Hindi raw mag-iinitiate ang ina ni Carlos Yulo na si Angelica Yulo para makipag-ayos sa nakatampuhang anak, ayon sa panayam ni Sandra Aguinaldo ng 24 Oras ng GMA Network sa kaniya.

Natanong kasi ang ina ng two-time Olympics gold medalist kung mag-uusap na raw sila para ayusin ang mga gusot nilang mag-ina, sa pagbabalik ni Caloy sa bansa.

Pinaparatangan kasi si Angelica na kaya raw sila nagkagalit ni Carlos ay dahil sa isyu ng "pagnakaw," "paglustay," at "pagwaldas" niya sa pera ng anak noong nananalo na ito sa men's artistic gymnastics.

"Depende 'yan eh. Kasi kung ako 'yong lalapit, hindi ko talaga gagawin. Especially now sa mga nangyayari, baka mamaya [sabihan] ako na porket nanalo, na parang 'di ba, o after kami sa pera kasi nanalo... No," aniya.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Iginiit din ni Angelica na hindi totoong kinupitan o ninakawan niya ng pera ang sariling anak, at mapatutunayan daw niya ito dahil may hawak siyang mga ebidensyang makapaglilinis sa kaniyang pangalan.

"'Yong tungkol sa perang ninakaw ko, nilustay, winaldas sa luho ko, sinabi ko sa kanila na walang halong katotohanan lahat, so kung sa ano ni Caloy, kung sa perception niya ay meron, sabi ko nga sa kaniya willing akong maglabas ng mga evidences, ng mga deposit slips, na meron ako ngayon," tila emosyunal na pahayag ni Angelica.

Inamin din ng ina na totoong masama ang loob niya sa sariling anak dahil sa mga umano'y paratang na ito.

"Masama ang loob ko, parang siyempre no, nando'n 'yong pain eh. Na parang sabihan ka ng anak mo na magnanakaw, na parang gusto kong sabihin, 'Asan 'yong ninakaw?' Na parang gano'n pa rin naman kami, tulad ng dati, noong hindi pa siya nagkakapera. Noong nagkapera siya, walang nagbago sa lifestyle namin," dagdag pa.