September 18, 2024

Home SPORTS

Tatay ni Carlos Yulo, nakiusap sa anak na mag-usap na sila ng nanay, mga utol niya

Tatay ni Carlos Yulo, nakiusap sa anak na mag-usap na sila ng nanay, mga utol niya
Photo courtesy: MB/Screenshot from One Balita Pilipinas/Angelica Poquiz Yulo (FB)

May pakiusap ang tatay ni Carlos Yulo na si Mark Andrew Yulo para sa kaniyang anak na two-time Olympics gold medalist matapos masungkit ang gintong medalya para sa floor exercise at vault ng men's artistic gymnastics, dahil sa mga intrigang kinasasangkutan niya kaugnay ng usaping pampamilya.

Usap-usapan kasi ang tila hidwaan sa pagitan nina Carlos, inang si Angelica Yulo, at ilan sa mga kapatid niya.

Napansin kasi ng mga netizen na tila wala man lamang senyales ng suporta si Angelica para sa sariling anak, at sa halip ay nag-post pa patungkol sa pambato ng Japan na si Shinnosuke Oka. Dito ay naungkat ang tila sigalot sa pagitan ng mag-ina.

Mas lalo pa itong tumibay nang magsalita sa isang panayam ang ina ni Carlos patungkol sa puno't dulo ng kanilang hindi pagkakaintindihan.

DepEd Sec. Angara na-starstruck kay EJ Obiena: 'We are proud of you!'

Ito raw ay dahil sa kasalukuyang girlfriend ng anak na si Chloe San Jose, na aniya ay tila inilalayo ang anak sa kanila.

MAKI-BALITA: Pasabog! Ermat ni Carlos Yulo, sinisisi ang jowa ng anak kaya nagkagalit sila?

Sa isang makahulugang Facebook post naman ay tila bumuwelta naman si Chloe sa ina ng kaniyang boyfriend.

MAKI-BALITA: Dahilan ng sigalot? Jowa ni Carlos Yulo, pinalagan ang 'future mother-in-law'

Sa panayam naman ng "One Balita Pilipinas" ay nagbigay ng mensahe ang tatay ni Carlos, na sana raw, makapag-usap na ang anak at ang nanay at mga kapatid nito sa pag-uwi niya sa Pilipinas.

"Congrats, anak. Ang ganda ng performance mo. Sana pagbalik mo, mag-usap tayo ng Mama mo at mga kapatid mo. Pag-usapan natin 'yong magagandang bagay. Sanay naman kami sa problema. Wala namang perpektong pamilya. Kailangan lang po nating lumaban tapos maraming dasal," ayon sa tatay ni Carlos.

Positibo si Mark Andrew na magkakaayos ang kaniyang mag-iina.

"Pag-uwi po ni Caloy aayusin po namin 'yon. Matagal na po 'yon inaano lang po ng mga basher."

"Saglit lang po 'yan, wala naman po 'yan, tampuhan lang nilang dalawa. Ayaw kasi ng nanay niya na mapasama siya," dagdag pa niya.