September 17, 2024

Home SPORTS

Pasabog! Ermat ni Carlos Yulo, sinisisi ang jowa ng anak kaya nagkagalit sila?

Pasabog! Ermat ni Carlos Yulo, sinisisi ang jowa ng anak kaya nagkagalit sila?
Photo courtesy: Screenshot via PEP/Chloe San Jose (IG)

Usap-usapan ang naging panayam ng isang FM radio station kay Angelica Yulo, ina ng two-time Olympics gold medalist na si Carlos Yulo, matapos nitong aminin ang naging dahilan kung bakit sila nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ng anak.

Pambibisto ng mudra ng Filipino gymnast, ang ugat daw kung bakit sila nagkasamaan ng loob ng junakis ay dahil sa jowa nitong si Chloe San Jose, dahil akusasyon niya, parang inilalayo raw ng GF si Carlos mula sa kanila.

Sinabi mismo ni Angelica na ang nagsilbing mitsa raw kung bakit sila nagkagalit ni Carlos ay dahil sa "babae" na ang tinutukoy nga ay si Chloe.

Isyu rin sa ina ni Carlos ang umano'y pagtuloy ni Chloe sa tinutuluyang apartment ng anak sa Japan, na binabayaran daw ng Philippine Sports Commission, na dapat sana, kapatid ni Carlos na si Eldrew ang kasama niya.

₱5M-worth na SUV ni Caloy, naibigay na ng Toyota

Pinabulaanan din ng mudrabels ang mga kumakalat na tsikang nagalit daw sa kanila si Carlos matapos nilang kupitan ang savings account nito para maipampagawa sa bahay nila, na lingid daw sa kaalaman ng atletang anak.

Lumutang ang hindi pagkakaunawaan ng mag-ina nang mapansin ng mga netizen na hindi man lamang finiflex ni Angelica si Caloy, o ang mga laban nito, o kahit na ang pagkapanalo nito. Sa halip, mas pinaboran pa niya ang pambato ng Japan na si Shinnosuke Oka na siyang nakasungkit ng gold medal habang pang-12 puwesto ang anak para sa men's all-around.

Kaya nang makasungkit ng unang gintong medalya si Carlos para sa floor exercise ay binalikan si Angelica ng mga netizen at tila sinumbatan ito.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Carlos patungkol sa mga kontrobersiyang umiikot sa kaniya at sa kaniyang pamilya.