September 13, 2024

Home BALITA National

KOJC, nag-aalok ng P20M para matukoy nagbigay pabuya para mahuli si Quiboloy

KOJC, nag-aalok ng P20M para matukoy nagbigay pabuya para mahuli si Quiboloy
Pastor Apollo Quiboloy (File photo)

Nag-alok ang Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ng ₱20 milyon para sa makapagsasabi umano kung sino ang nag-donate ng ₱10 milyong pabuya sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para mahuli si Pastor Apollo Quiboloy.

Matatandaang noong buwan ng Hulyo nang ianunsyo ni DILG Secretary Benhur Abalos na bibigyan ng ₱10 milyong pabuya ang sinumang makapagbibigay ng impormasyong magiging dahilan ng pagka-aresto kay Quiboloy.

MAKI-BALITA: P10M pabuya, ibibigay sa makapagtuturo kay Quiboloy -- Abalos

Sa panayam naman ng “Story Outlook” ng TeleRadyo Serbisyo sa legal counsel ni Quiboloy na si Atty. Israelito Torreon nitong Linggo, Agosto 4, iginiit nitong magtutulong-tulong ang “nasa pitong milyong miyembro” ng KOJC sa iba’t ibang dako ng mundo para malikom ang naturang ₱20 milyong magiging kanilang pabuya sa makapagtuturo kung sino ang nag-donate ng  ₱10 milyon sa DILG.

National

PBBM, isang 'inspirasyon' sa bawat Pilipino -- DILG Sec. Abalos

Giit pa ng legal counsel ni Quiboloy, iligal umano ang pagtanggap ng pera sa mga pribadong indibidwal alinsunod sa Republic Act 6713 Section 7D na nagsasabing "public officials and employees shall not solicit or accept, directly or indirectly, any gift, gratuity, favor, entertainment, loan or anything of monetary value from any person in the course of their official duties."

"Ang mga opisyal po ng KOJC ay interesadong interesado kung sino itong mga pribadong tao na nag-raise ng pera para malaman kung ano ang ikinagalit nila kay Pastor Apollo Quiboloy o ano ba 'yung mga pakay nila o may transaksyon lang ito kay Sec. Abalos kasi balak daw niyang tumakbong senador," ani Torreon.

"Gusto rin nilang malaman kung sinong makabigay ng impormasyon doon sa nagbabalak daw na patayin si Pastor Apollo Quiboloy. Kasi may team daw na binuo para i-assassinate si Pastor Apollo Quiboloy," giit pa niya.

Nang tanungin naman kung saan nanggaling ang impormasyon hinggil sa umano’y assassination team laban sa pastor, sinabi ni Torreon na matagal na umano itong usap-usapan at nais din daw nilang makumpirma kaya’t nagdesisyon din silang mag-alok ng ₱20 milyong pabuya/

Samantala, habang sinusulat ito’y wala pa namang komento si Abalos o ang DILG sa naturang pabuya at sa umano’y assassination plot laban kay Quiboloy.

Kasalukuyang nahaharap si Quiboloy sa kasong “ANTI-TRAFFICKING IN PERSONS ACT OF 2003 (RA9208 AS AMENDED BY RA 10364), REPUBLIC ACT 7610 (SPECIAL PROTECTION OF CHILDREN AGAINST ABUSE, EXPLOITATION, AND DISCRIMINATION ACT), AND CONTEMPT OF COURT.”

Samantala, habang sinusulat ito’y hindi pa rin nalalaman ng mga awtoridad ang kinaroroonan ng pastor.