September 19, 2024

Home SPORTS

Hahatian ba ang madir? Carlos nagsabi na kung anong gagawin sa mga premyo, cash incentives!

Hahatian ba ang madir? Carlos nagsabi na kung anong gagawin sa mga premyo, cash incentives!
Photo courtesy: Manila Bulletin Sports/Angelica Poquiz Yulo (FB)

Nakapanayam ang two-time Olympics gold medalist at Filipino gymnast na si Carlos Yulo kung ano ang gagawin niya sa mga umaapaw na premyo at cash incentives na natanggap niya dahil sa dalawang panalo sa 2024 Paris Olympics.

Ayon sa ABS-CBN News via Dyan Castillejo na mula naman sa Cignal TV, sinabi ni Yulo na iipunin at mag-iinvest siya gamit ang pera dahil hindi habambuhay na atleta siya.

"I'm gonna save it and invest also. I'm not forever athlete po," saad ni Yulo sa panayam sa kaniya ng media. "I have to take care of my personal life also and balance it also, and of course, ahm, share it sa mga bata po na gusto ng gymnastics."

Hindi naman nabanggit ni Carlos sa panayam kung magbibigay siya ng biyaya sa kaniyang pamilya, lalo na sa kaniyang inang si Angelica Yulo na inuulan ngayon ng batikos dahil sa kawalan umano ng suporta sa anak, dahil na rin sa usaping pampamilya nila na hanggang ngayon ay tila wala pang resolusyon.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Matatandaang nasabi ni Angelica sa isang panayam na totoong may hindi sila pagkakaunawaan ng anak, at ang itinuturo niyang dahilan ay ang kasintahan nitong si Chloe San Jose.

Bagay na pinalagan naman niya sa isang social media post.

MAKI-BALITA: Pasabog! Ermat ni Carlos Yulo, sinisisi ang jowa ng anak kaya nagkagalit sila?

MAKI-BALITA: Dahilan ng sigalot? Jowa ni Carlos Yulo, pinalagan ang 'future mother-in-law'