September 17, 2024

Home SPORTS

Dahilan ng sigalot? Jowa ni Carlos Yulo, pinalagan ang 'future mother-in-law'

Dahilan ng sigalot? Jowa ni Carlos Yulo, pinalagan ang 'future mother-in-law'
Photo courtesy: Chloe Anjeleigh San Jose (IG)/Angelica Poquiz Yulo (FB)

May patutsada ang girlfriend ni Filipino gymnast Carlos Yulo na si Chloe San Jose sa mga naging pahayag ng ina ng boyfriend na si Angelica Yulo patungkol sa kaniya.

Sa isang panayam, tahasang sinabi ni Angelica na si Chloe raw ang dahilan kung bakit may hidwaan sila ngayon ng anak. Pinabulaanan kasi ng ina ang mga alegasyong winaldas niya ang pera ni Carlos pampagawa ng kanilang bahay nang hindi nalalaman ng anak. Inaakusahan din ang ina na ngayong milyonaryo na si Carlos sa dami ng rewards at cash incentives dulot ng kaniyang pagkapanalo ng dalawang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics, ay nakikipag-ayos na ito para maambunan ng biyaya mula sa anak.

Pero tingin umano ni Angelica, ang rason kung bakit nagkalayo ang loob nila ni Carlos ay dahil sa girlfriend nito.

Sa Facebook post ni Chloe nitong Agosto 4 ay ibinahagi niya ang isang video ng panayam kay Angelica.

₱5M-worth na SUV ni Caloy, naibigay na ng Toyota

Aniya, "mother dear i'm gonna hold your hand when i say this... pero wait ka lang, tapusin lang po namin yung vault finals—paki-on na your comment section po ah, di yung nag dedelete ka pa + off com sec."

Ginaya rin niya ang kontrobersiyal umanong post ni Angelica na pumapabor sa nakalaban ni Carlos mula sa Japan na si Shinnosuke Oka na siyang nakasungkit ng gold medal habang pang-12 puwesto ang anak.

"japan pa din talaga.. lakas! but malakas din naman si Carlos Edriel Yulo, GOD IS WITH HIM," aniya.

Photo courtesy: Chloe Anjeleigh San Jose (FB)

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ng ina ni Carlos tungkol sa isyu.

MAKI-BALITA: Pasabog! Ermat ni Carlos Yulo, sinisisi ang jowa ng anak kaya nagkagalit sila?