September 18, 2024

Home SHOWBIZ

Angeli Khang, natsansingan ng ilang co-actors

Angeli Khang, natsansingan ng ilang co-actors
Photo Courtesy: Screenshots from Vivamax (YT)

Isiniwalat ni Vivamax sexy actress Angeli Khang na nakaramdam umano siya ng pananamantala kapag gumagawa ng sex scenes. 

Sa latest episode ng “Toni Talks” noong Linggo, Agosto 4, kinumpirma niya kay Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga na may mga pagkakataon umano na nadadala sa intense na eksena ang kaniyang co-actor. 

“May times na habang naka-plaster, natatanggal ‘yong plaster kasi tumitigas. Ta’s bago pa mag-take ‘yong direktor, hinahalikan na ako. After mag-take, hinahalikan pa rin ako,” pahayag ni Angeli.

Kaya naman ayon kay Angeli, pinipilit umano niyang makuha agad sa unang take ang ipinapagawa sa kanilang eksena para hindi na ulit-ulitin pa.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Ako, nasa isip ko basta one take, go mo na. After no’n, do’n na ako magrereklamo kay Direk,” aniya.

Bukod dito, ibinahagi rin ni Angeli na dumating din umano sa puntong napagod siya gumawa ng mga pelikulang sexy.

“Patagal nang patagal do’n ko nare-realize na nakaka-drain talaga siya, nakaka-drain na maghubad ka. But still kahit may plaster, kahit minsan may double, ‘yong point of view pa lang na while doing it kailangan mentally prepared ka na ‘yong co-actor mo comfortable kayo sa isa’t isa,” saad ni Angeli.

“And minsan nai-stress din ‘yong mga partner mo kasi ‘yong restriction minsan bawal hawakan sa dibdib. Or hanggang bewang lang or dito lang [sa balikat],” wika niya.

MAKI-BALITA: Angeli Khang, napagod maghubad

Samantala, sa isang bahagi naman ng panayam, ibinahagi ng Vivamax sexy actress ang tungkol sa umano’y childhood dream niya.

MAKI-BALITA: Angeli Khang, pangarap maging pastora noon