Nanawagan ang negosyante at social media personality na si Diwata sa mga customer at vlogger para dayuhin ang bago niyang paresan na nagkakanlong sa Pasay City.
Sa latest Facebook post ni Diwata nitong Biyernes, Mayo 8, sinabi niyang mabait na siya at nangakong hindi na magsusungit pa.
“Sa lahat po ng customer na gustong kumain, mabait na po ako. Magpapa-picture na po ako saka hindi na po ako magsusungit, hindi na po ako magsisimangot. Nakangiti na po ako lagi kahit pagod na,” saad ni Diwata.
Dagdag pa niya, “Kumain na kayo dito at bumalik na kayo. At sa lahat ng vlogger, magbalikan na kayo. I-vlog n'yo na ako para sumikat na ulit ako. Puntahan n'yo na ako 'di na ako magagalit sa inyo.”
Kasunod nito, pinasilip ni Diwata ang loob ng kaniyang paresan na aniya’y nagmukha na raw catering services
Matatandaang isiniwalat niya noong Pebrero 2026 na nagantso umano siya sa dati niyang paresan.
Sinabi niyang may lumapit umano sa kaniya noong kasagsagan ng kasikatan niya at nangakong tutulungan siya para ang paresan niya ay maging kagaya ng mga kilalang fast food chain sa kasalukuyan.
Ngunit sa kasamaang-palad, hindi man lang daw siya nabigyan ng kabahaging franchising fee at royalty fee.
Maki-Balita: Diwata nabudol; walang natanggap na franchising fee, royalty fee sa paresan