January 15, 2025

Home BALITA National

OVP, saludo kay Carlos Yulo: 'Mabuhay ang mga atletang Pinoy!'

OVP, saludo kay Carlos Yulo: 'Mabuhay ang mga atletang Pinoy!'
VP Sara Duterte (FB); Carlos Yulo (AP via MB)

Nagpaabot ng pagbati ang opisina ni Vice President Sara Duterte kay Filipino gymnast Carlos Yulo na nakapag-uwi ng gintong medalya sa Paris Olympics 2024.

Sa isang Facebook post, ipinahayag ng Office of the Vice President (OVP) na saludo sila sa makasaysayang Olympic gold medal ni Yulo sa larangan ng artistic gymnastics.

“Ipinapaabot ng [OVP] ang taos-pusong pagbati kay Carlos Edriel Yulo para sa kanyang makasaysayang pagkamit ng kauna-unahang Gold medal ng Pilipinas sa larangan ng Artistic Gymnastics sa Paris 2024 Olympics,” anang OVP.

“Mabuhay ka, Caloy! Mabuhay ang mga atletang Pilipino! ” dagdag nito.

National

Alice Guo at iba pa, posibleng makasuhan ng 62 counts of money laundering

Matatandaang nitong Sabado, Agosto 3, nang magbunyi ang mga Pilipino matapos masungkit ni Yulo ang kauna-unahang ginto sa 2024 Paris Olympics nang manguna siya sa floor exercise ng men's artistic gymnastics sa puntos na 15.000.

Si Yulo ang ikalawang Pilipinong nakapagkamit ng gintong medalya sa kasaysayan ng Olympics, una si Hidilyn Diaz na nanalo sa weightlifting noong 2020 Tokyo Olympics.

Kaugnay ng kaniyang makasaysayang tagumpay, inihayag ng Kamara na pagkakalooban nila ng ₱3 milyon si Yulo bilang pagkilala sa kaniyang naging makasaysayang tagumpay.

MAKI-BALITA: Carlos Yulo, makatatanggap ng P3M mula sa Kamara

Mayroon ding lifetime free buffet si Yulo mula sa Vikings Luxury Buffet restaurant.

MAKI-BALITA: Lifetime free buffet, ipinagkaloob kay Carlos Yulo

Narito pa ang mga “ginintuang premyo” na naghihintay sa Pinoy champ na si Yulo:

BASAHIN: Bukod sa medalya: Nag-uumapaw na 'ginintuang premyo,' naghihintay kay Carlos Yulo