December 22, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Mayor Francis Zamora, nagsalita sa pagkakaugnay ng anak kay Daniel Padilla

Mayor Francis Zamora, nagsalita sa pagkakaugnay ng anak kay Daniel Padilla
Mayor Francis Zamora (FB), Amanda Zamora, Daniel Padilla (IG)

Nagbigay ng pahayag si San Juan City Mayor Francis Zamora hinggil sa pagkakaugnay ng anak niyang si Amanda Zamora kay Kapamilya star Daniel Padilla.

Sa ulat ng Frontline Pilipinas kamakailan, itinanggi ni Zamora ang kumakalat na kuwentong si Amanda umano ang bagong jowa ni Daniel.

“Hindi po si Amanda at saka si Daniel Padilla. Wala pong katotohanan ‘yan. At kung mayro’n mang taong nagsasabi na sila, ako na po ang nagsasabi na hindi po ‘yan totoo,” saad ni Zamora.

Dagdag pa niya: “So, si Daniel Padilla po ay kaibigan ko. That’s why I was very honored na ako po ang napili ng kanilang pamilya na mamuno ng kasal ni JC [Padill] at kinuha rin po akong ninong.”

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Bukod dito, nagsalita rin si Amanda tungkol sa nasabing isyu sa pamamagitan ng isang Instagram story kung saan nakiusap siyang tigilan ang pagpapakalat ng mga maling balita.

Matatandaang sa isang episode ng kaniyang showbiz-oriented vlog ay nabanggit ni showbiz insider Ogie Diaz ang pangalan ng babaeng nali-link kay Daniel.