Isang magnitude 4.0 na lindol ang tumama sa Surigao del Sur nitong Linggo ng umaga, Agosto 4, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 8:17 ng umaga.
Namataan ang epicenter nito 49 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Lingig, Surigao del Sur, na may lalim na 10 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing lindol.