September 13, 2024

Home BALITA Eleksyon

Bayani Agbayani, binigyan ng senyales; tatakbo sa politika

Bayani Agbayani, binigyan ng senyales; tatakbo sa politika
Photo Courtesy: TUPAD (FB)

Tila binigyan umano ng Panginoong Diyos ng senyales ang komedyanteng si Bayani Agbayani na pumasok sa politika sa darating na midterm elections.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” kamakailan, kinumpirma ni Bayani sa panayam niya kay showbiz insider Ogie Diaz na kakandidato umano siya bilang representative ng TUPAD Partylist.

“Kinonsulta ko ‘yong mga kapatid ko, ‘yong asawa ko, dahil gusto ko talagang makatulong sa ating mga kababayan at syempre kung wala ako sa posisyon maaaring hindi ko ito mabigyan ng 100 percent na pagtulong,” saad ni Bayani.

“Kaya nag-decide po ako at ipinagdasal ko naman sa Panginoong Diyos at parang binigyan niya ako ng senyales, e. ‘Bayani, tumakbo ka para…marami kang matutulungang mahihirap na nangangailangan ng tulong lalo na ngayon…mahal ang kuryente, tuition fee, mahal ang tubig, ang basic needs,” wika niya.

Eleksyon

Yorme's choice: Mocha Uson, tatakbong konsehal sa Maynila

Dagdag pa ng komedyante: “So, ‘yong mabigyan man lang natin sila ng pangangailangan sa araw-araw. At ako, bilang lingkod-bayan, e maglilinkod po sa inyo ng tapat at 100 percent.”

Usisa naman ni Ogie: “So curious sila, for sure. Ano kaya ang tatakbuhan ni Bayani?”

“A, TUPAD Partylist,” tugon ni Bayani.

Sa kasalukuyan, gumawa na rin umano si Bayani ng Facebook page para sa TUPAD KAHILINGAN kung saan sila magbibigay ng tulong sa mga nangangailangang Pilipino.