September 20, 2024

Home SPORTS

Aira Villegas, nagapi ang kalabang French; nasungkit ang bronze medal

Aira Villegas, nagapi ang kalabang French; nasungkit ang bronze medal
Photo courtesy: Mb/MB Sports

Tiyak na ang bronze medal ng pambato ng Pilipinas sa women's boxing na si Aira Villegas matapos matalo ang kaniyang kalabang French na si Wassila Lkhadiri matapos siyang paboran ng mga hurado sa 3-2 win.

Naging mainit ang laban lalo na sa second round nang lumamang si Lkhadiri sa kaniya.

Bumawi ang pambato ng Tacloban sa pagtuntong ng third round matapos niyang bigyan ng first big shot ang katunggali, at paulanan ito ng mabibilis na suntok.

Nang tumango ang mga hurado para sa kaniya, mabilis na niyakap ni Villegas si Lkhadiri bilang pagpapamalas ng sportsmanship.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Pangalawa ang bronze medal ni Villegas sa maiuuwing medalya ng Pilipinas mula sa Olympics. Nauna na rito ang gold medal ni Filipino gymnast Carlos Yulo para sa floor exercise ng men's artistic gymnastics.

MAKI-BALITA: Bukod sa medalya: Nag-uumapaw na 'ginintuang premyo,' naghihintay kay Carlos Yulo