January 15, 2025

Home BALITA National

Magnitude 4.8 na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Magnitude 4.8 na lindol, yumanig sa Surigao del Sur
Courtesy: Phivolcs/FB

Isang magnitude 4.8 na lindol ang yumanig sa Surigao del Sur dakong 5:12 ng hapon nitong Sabado, Agosto 3.

Base sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Namataan ang epicenter nito 95 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Lingig, Surigao del Sur, na may lalim na 10 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol

National

Ilang nababahala sa CSE, pakikinggan ng DepEd

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing lindol.

Ayon pa sa ahensya, ang naturang lindol ay isang aftershock ng magnitude 6.8 na lindol na yumanig sa Surigao del Sur dakong 6:22 ng umaga nitong Sabado.

MAKI-BALITA: Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 6.8 na lindol; walang tsunami threat sa PH