September 21, 2024

Home BALITA National

Labor leader Jerome Adonis, tatakbo bilang senador sa 2025

Labor leader Jerome Adonis, tatakbo bilang senador sa 2025
Labor leader Jerome Adonis (Photo courtesy: Kilusang Mayo Uno/FB)

Inanunsyo ng labor leader na si Jerome Adonis, secretary general ng Kilusang Mayo Uno (KMU), na tatakbo siya bilang senador sa 2025 midterm elections upang isulong ang interes ng mga manggagawa at mamamayan ng bansa.

Idineklara ni Adonis ang kaniyang pagtakbo para sa Senado nitong Biyernes, Agosto 2, sa ginanap na isang general meeting ng labor union sa Laguna.

“Ako po si Jerome Adonis, unyonista, welgista, anti-imperyalista. Buong-tapang kong tinatanggap ang hamon ng Makabayan Coalition na mapabilang sa kanilang 12 senador na magsusulong ng makabayan at progresibong pagbabago,” ani Adonis.

“Ako po si Jerome Adonis, makabayan, progresibo, tatakbo sa Senado. Kakatawanin kayo,” dagdag niya.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Kasama raw sa mga nais isulong ni Adonis sa Senado ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa at pagbuwag ng kontraktuwalisasyon sa bansa.

Nagpahayag naman ng suporta para sa kandidatura ng labor leader ang iba’t ibang mga progresibong grupo, tulad ng Kilusang Magbubukin ng Pilipinas (KMP), Amihan Peasant Women, at Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON).

Si Adonis ang ikatlong magiging kandidato ng pagka-senador sa hanay ng Makabayan Coalition, kasama sina ACT Teachers Party-list Rep. France Castro at Gabriela Women’s Party-list Rep. Arlene Brosas.

MAKI-BALITA: Rep. France Castro, tatakbong senador sa 2025: ‘Para sa tunay na pagbabago'

MAKI-BALITA: Gabriela Rep. Arlene Brosas, tatakbong senador sa 2025

Matatandaan namang sinabi ni Castro kamakailan na target ng Makabayan bloc na makabuo ng 12 senatorial candidates mula sa iba’t ibang sektor, lalo na sa “marginalized sector.”

MAKI-BALITA: Makabayan bloc, target bumuo ng 12 senatorial candidates para sa 2025 -- Castro