September 16, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Annabelle Rama, Richard Gutierrez spotted sa birthday ni Barbie Imperial

Annabelle Rama, Richard Gutierrez spotted sa birthday ni Barbie Imperial
Photo Courtesy: Screenshots from Vina Morales, Barbie Imperial (IG)

Namataan ang mag-inang Annabelle Rama at Richard Gutierrez sa selebrasyon ng 26th birthday ng aktres na si Barbie Imperial.

Sa serye kasi ng Instagram stories ng actress-singer na si Vina Morales noong Biyernes, Agosto 2, makikita sa larawan at video sina Richard at Annabelle kasama ang iba pang bisita.

Tiyak na lalakas na naman ang kutob ng mga marites na netizen na may namamagitan nga talaga sa pagitan nina Richard at Babie.

Simula kasi nang magkahiwalay sina Richard at ang asawa nitong si Sarah Lahbati ay nali-link na ang aktor kay Barbie. Sa palagay pa nga ng ilang netizens, magkasama ang dalawa noong nakaraang Holy Week.

Tsika at Intriga

Di na ba masarap panoorin? Sarap 'Di Ba, sisibakin na raw sa ere

MAKI-BALITA: Ogie Diaz may isiniwalat tungkol kina Richard Gutierrez at Barbie Imperial

MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, nilalandi ba ni Barbie Imperial?

MAKI-BALITA: Richard, Barbie iniintrigang magkasama dahil sa mga puno ng niyog

Bukod dito, kumalat din noong Mayo ang larawan nina Richard at Barbie kung saan naispatan silang magkasama sa South Korea.

MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, Barbie Imperial naispatang magkasama sa South Korea?

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag ang dalawa tungkol sa real-score ng kanilang relasyon.