September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Aga Muhlach, hinihintay daw magsalita sa isyu ng pamangkin

Aga Muhlach, hinihintay daw magsalita sa isyu ng pamangkin
Photo Courtesy: Aga Muhlach (FB), Sandro Muhlach (IG)

Maraming raw nagtatanong kung ano ang masasabi ni heartthrob actor Aga Muhlach tungkol sa isyung kinasasangkutan ng pamangkin niyang si Sandro Muhlach na hiwalay umano ng dalawang GMA independent contractors.

Sa isang episode ng “Cristy Ferminute” kamakailan, sinabi ni showbiz columnist Cristy Fermin na bagama’t hindi pa nagsasalita ngayon si Aga, nababatid niya umano na “they are one against common enemy.”

“Kung kilala ko po ang pamilya Muhlach mula noon hanggang ngayon, the one against common enemy. Totoo po ‘yan. Magkakasama po sila. Ano po ito, iisang hibla,” saad ni Cristy.

“Pero hindi po natin maaasahan ang bawat isa sa kanila ay umangat at magsalita ng kung ano-ano laban sa mga pinagbibintangan,” wika niya.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Dagdag pa ng showbiz columnist: “Maaaring si Aga at saka si Onin [Niño Muhlach]...silang lahat, nag-uusap na tungkol dito.”

Sinang-ayunan naman ito ng co-host ni Cristy na si Romel Chika. Ayon sa kaniya, marahil ay mas pinili na lamang ng pamilya Muhlach na isa na lamang ang magsalita upang hindi na gumulo pa ang kuwento.

Matatandaang bukod kay Niño at sa misis nitong si Diane Abby Tupaz ay nagbigay din ng makahulugang pahayag ang kapatid nitong si Angela Muhlach.

MAKI-BALITA: Niño Muhlach, umapela ng dasal sa publiko

MAKI-BALITA: 'Lagot!' Misis ni Niño Muhlach, nanggalaiti sa galit sa kababuyang dinanas ng anak

MAKI-BALITA: Pamilya Muhlach, wawakasan ang inhustisyang kinakaharap ng mga artista

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, nakapagsampa na ng kaso si Sandro laban sa dalawang humalay umano sa kaniya.

MAKI-BALITA: Sandro Muhlach, nagsampa ng kaso vs GMA independent contractors