December 23, 2024

Home BALITA National

₱20M, ₱14.7M jackpot prizes, napanalunan ng taga-Cavite at Laguna!

<b>₱20M, </b><b>₱14.7M jackpot prizes, napanalunan ng taga-Cavite at Laguna! </b>
screenshot: PCSO/FB

Maganda ang pasok ng Agosto sa dalawang lotto bettors mula Cavite at Laguna dahil napanalunan nila ang milyun-milyong jackpot prizes ng Super Lotto 6/49 at Lotto 6/42!

Nitong Huwebes ng gabi, Agosto 1, binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang dalawang major lotto draw na Super Lotto 6/49 at Lotto 6/42. 

Sa Super Lotto 6/49, napanalunan ng lone bettor ang jackpot prize na ₱20,077,863.20 nang mahulaan ang winning combination na 31-02-27-41-17-12. Ayon sa PCSO, nabili ang winning ticket sa Golden City Dasma 3, Dasmariñas, Cavite.

Sa Lotto 6/42 naman, nahulaan ng lone bettor ang winning combination na 03-15-11-17-19-13 na may premyong ₱14,733,011.60. Nabili ang winning ticket sa Arcillas Town Center, Jose Rizal Ave., San Pablo, Laguna.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Upang makubra ang premyo, magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprinsinta ang kanyang winning ticket at dalawang valid IDs.

Ang lahat ng premyong hindi makukubra sa loob ng isang taon, mula sa petsa nang pagbola dito ay awtomatikong mapo-forfeit at mapupunta sa kawanggawa.

Ang lahat naman ng premyong lampas ng ₱10,000 ay papatawan ng 20% tax, sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.