September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sandro Muhlach, inakalang 'pa-booking' ng dalawang beking inirereklamo?

Sandro Muhlach, inakalang 'pa-booking' ng dalawang beking inirereklamo?
Photo courtesy: Sandro Muhlach (IG)

Nagbigay ng ilang detalye ang showbiz insider na si Ogie Diaz patungkol sa naganap daw na "meeting" sa pagitan ng mga kampong sangkot sa isyu ng sexual assault na naranasan ng Sparkle artist na si Sandro Muhlach sa kamay ng dalawang GMA Network independent contractors, na pinangalanang sina Jojo Nones at Richard Cruz.

Batay raw sa dinig ni Ogie, ang ikinatwiran daw ng dalawa sa upper administration ng network ay inakala raw nilang "pa-booking" ang aktor kaya inaya nila ito sa kanilang hotel room at doon na nga umano nangyari ang hindi dapat mangyari.

Ang terminong "booking" ay pumapatungkol sa pagbabayad ng malaking halaga sa isang tao para lamang makasama siya o may malaking kapalit, gaya nga sexual activities.

"Napagkamalang pa-booking 'yong bata, na hindi naman," sey pa ni Ogie.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Nagtataka naman si Ogie na kilala raw ng dalawa ang aktor kaya paano nila naisip na pa-booking ito; gayundin, ipagpalagay na ganoon nga, sapat daw bang painumin ito ng illegal substance?

Hindi naman tinukoy ni Ogie kung ano ang "illegal substance" na ito.

Ang kuwento pa ni Ogie, pinapunta raw ng dalawa ang aktor sa kanilang inupahang hotel room, at nagpunta naman ito dahil wala ngang malisya sa part niya dahil "tito-tito" nga naman ang tingin niya sa kanila. Nakatanggap daw ng text message ang aktor na marami sila sa loob ng kuwarto at naroon pa ang miyembro ng "creative team" kaya walang malisya nga itong nagpunta roon para maki-party. Pagdating sa kuwarto, wala raw ibang nadatnan ang aktor kundi ang dalawang inirereklamong beki.

Ayon pa sa kuwento, buti na lamang daw at may kumatok na nagdeliver ng wine sa kuwarto kaya nakatakbo ang aktor nang gawin na sa kaniya ang kahalayan.

Hangad ni Ogie na maayos ang seryosong gusot na ito at maibigay kay Sandro ang nararapat na hustisya para sa kaniya. Kung hindi naman daw totoo ang mga ibinibintang ng aktor sa dalawa, sana rin daw ay malinis ng dalawa ang kanilang pangalan.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz, nagbigay ng ilang detalye sa isyu ng 'panghahalay' kay Sandro Muhlach