December 07, 2024

Home BALITA National

HULAAN: Magkano nga ba ang proposed travel budget ni PBBM sa 2025?

HULAAN: Magkano nga ba ang proposed travel budget ni PBBM sa 2025?
Photo courtesy: PPA POOL / Noel B. Pabalate

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), bumaba ng walong porsyento ang proposed travel budget ni Pangulong Bongbong Marcos sa 2025. Sa tingin mo magkano kaya ang proposed travel budget ng pangulo?

Nitong Huwebes, Agosto 1, sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na iminungkahi ng Office of the President (OP) ang panukalang ₱1.054-billion budget para sa travel expenses ng pangulo sa fiscal year 2025, kung saan bumaba raw ito ng walong porsyento.

Ngayong 2024, nasa ₱1.148 billion ang travel budget ng pangulo.

“It is 94 million or eight percent decrease compared to 1.148 billion allocations in the 2024 General Appropriations Act. Bumaba po siya ng eight percent," ani Pangandaman.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

“Kung makikita po natin dito sa proposal nila siguro may nabawasan po silang travel both local and foreign," dagdag pa niya.

Gayunpaman, tiniyak pa rin niya na ang administrasyong Marcos ay nakatuon pa rin sa pag-market sa Pilipinas bilang isang investment destination.

“Parang na-explain ko naman po dati together also with DTI and kami rin po sa economic team – we still continue to go out and parang kumbaga we market the Philippines as an investment destination – tuluy-tuloy po iyan," paliwanag pa niya.

Sa kabuuan, ang inimungkahing budget ng OP para sa 2025 ay aabot sa ₱10.446 billion, kabilang na ang confidential funds na ₱2.250 billion, at intelligence funds na ₱2.310 billion.