October 06, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Atasha Muhlach, nagsalita sa isyung nabuntis siya ni Mayor Vico Sotto

Atasha Muhlach, nagsalita sa isyung nabuntis siya ni Mayor Vico Sotto

Nakapanayam ni Ogie Diaz si "Eat Bulaga" host Atasha Muhlach patungkol sa mga ipinakakalat na balita ng ilang vloggers na kesyo nabuntis daw siya ni Pasig City Mayor Vico Sotto at binigyan na raw siya ng engagement ring para pakasalan at panagutan.

May bersyon pang botong-boto o gustong-gusto raw ni Aga Muhlach, tatay ni Atasha, si Mayor Vico para sa kaniya.

Galing na mismo kay Atasha na maging siya ay nagtataka at nagugulat sa mga balitang naglalabasan at nag-uugnay sa kanila ni Mayor Vico, ayon sa panayam ni Ogie Diaz.

Ni hindi pa nga raw sila nagkikita nang personal ni Mayor Vico, bagama't ang tatay nitong si Vic Sotto ay nakakasama niya sa Eat Bulaga.

Tsika at Intriga

Heart 'naiyak' dahil sa bagong glam team, anyare?

Ang tanging mga nakikita at nakakaharap pa lamang niya ay sina Oyo Boy Sotto at Danica Sotto na mga kapatid sa ama ni Mayor Vico.

Sa huli, pinagdiinan ni Ogie na ang mga ipinapakalat ng vloggers ay fake news.

"Wala nga silang sources, wala silang pinagkuhanan ng balita, kaya huwag na huwag kayong maniniwala diyan ha," babala pa ni Ogie.

Pero kung tutuusin, kung pareho namang single sina Atasha at Mayor Vico, wala naman daw sanang magiging problema, pero ang problema nga, hindi naman totoo at ni hindi pa nga sila nagkakaharap nang personalan, nakakaloka!

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Mayor Vico patungkol sa isyung ito.

MAKI-BALITA: Atasha Muhlach, nabuntis daw ni Mayor Vico Sotto?