September 19, 2024

Home BALITA National

₱139.7M lotto jackpot prize, 'di napanalunan; premyo, asahang tataas

₱139.7M lotto jackpot prize, 'di napanalunan; premyo, asahang tataas
(unsplash)

Walang nakapagpag-uwi ng ₱139.7 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 na binola ng PCSO nitong Miyerkules ng gabi, Hulyo 31. 

Sa official draw results, walang nakahula sa winning numbers ng Grand Lotto na 32-42-36-23-48-37 na may kaakibat na ₱139,747,534.40 na premyo.

Gayunman, may pitong lucky winners ng tig-₱100,000 bilang second prize. 

Wala ring nanalo sa ₱22,324,138.80 na jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 dahil walang nakakuha ng winning numbers na 28-31-44-01-22-20. 

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

May 12 lotto bettors ang nakapag-uwi ng tig-₱12,000 bilang second prize.