September 17, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Pamilya Muhlach, wawakasan ang inhustisyang kinakaharap ng mga artista

Pamilya Muhlach, wawakasan ang inhustisyang kinakaharap ng mga artista
Niño Muhlach (FB), Angela Muhlach (IG)

Nagbahagi ng makahulugang post ang kapatid ni Niño Muhlach na si Angela Muhlach sa pamamagitan ng isang Instagram story nitong Miyerkules, Hulyo 31.

Sa nasabing IG story, mababasa roon na wawakasan umano ng kanilang pamilya ang inhustisyang kinakaharap ng mga artista sa kasalukuyan.

Ayon sa kaniya: “Our family will be the one to break the injustices all the other artists are facing! This has to stop! We will fight for injustice."

Ito ay matapos ding magbahagi ng isang cryptic post si Niño sa kaniyang Facebook account sa pareho ring petsang nabanggit sa itaas.

Tsika at Intriga

Di na ba masarap panoorin? Sarap 'Di Ba, sisibakin na raw sa ere

MAKI-BALITA: Cryptic post ni Niño Muhlach, usap-usapan: 'Inumpisahan n'yo, tatapusin ko!'

Matatandaang isang blind item ang lumabas sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) noong Martes, Hulyo 3, tungkol sa baguhang aktor na pinagtangkaan umanong halayin.

Maraming netizens ang nagsuspetsa na ang tinutukoy sa nasabing ulat ay ang anak ni Niño na si Sandro Muhlach.

MAKI-BALITA: Baguhang aktor, pinagsamantalahan ng dalawang TV executives?

Samantala, naglabas naman ng pahayag ang GMA Network kaugnay sa kumakalat na artikulo kung saan tampok ang tungkol sa baguhang aktor na ginawang “midnight snack” ng dalawang TV executives.

MAKI-BALITA: GMA Network naglabas ng pahayag kaugnay sa kinasangkutang insidente ng artist