September 18, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Ivana Alawi, tinuluyan na sa Batang Quiapo

Ivana Alawi, tinuluyan na sa Batang Quiapo
Photo courtesy: Ivana Alawi/Screenshots from Kapamilya Online Live (YouTube)

Nagbabu na nang tuluyan ang karakter ni Ivana Alawi bilang "Bubbles" sa action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo" sa latest episode nitong Martes, Hulyo 30, na talaga namang tinutukan ng sambayanan.

Duguan ang naging pagkamatay ni Bubbles dito matapos itong patayin ni David, ang karakter na ginagampanan ni McCoy De Leon na kapatid naman ni Tanggol na ginagampanan naman ni Coco Martin.

Sa Instagram post ng Dreamscape Entertainment ay nagpasalamat sila sa Kapamilya star dahil sa pagiging bahagi ng kanilang serye.

"Maraming salamat, Ivana Alawi (@ivanaalawi) sa pagiging bahagi ng FPJ’s Batang Quiapo. Hanggang sa muli, Bubbles!" anila.

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

Sa kaniyang Instagram post ay nagpasalamat naman si Ivana sa Batang Quiapo dahil sa oportunidad na ibinigay sa kaniya.

"Nung unang inalok sakin ang Batang Quiapo, isang malaking tanong ang pumasok sa isip ko. Bakit ako? Kaya ko ba ito? Deserve ko ba?"

"Pero dala na ng aking tiwala sa ABSCBN lalo na kay Tita Cory, Direk Coco, at sa panalangin ko din, tinanggap ko siya ng buong puso. At sobrang proud ako sa show na ito."

"Kaya naman gusto ko magpasalamat sa lahat ng bumubuo ng Batang Quiapo. Mula kay Direk Coco, hanggang sa lahat ng mga artistang nakasama ko, technical staff, production staff, at sa mga utilities… Salamat sa pag aalaga ninyo sa akin "

"At ngayong tapos na ang isang chapter ng buhay ko sa Batang Quiapo, babaunin ko lahat ng natutunan ko."

"From the bottom of my heart maraming salamat sa inyong lahat, sa inyong walang sawang pagtanggap sa akin gabi-gabi, sa pagmamahal niyo kay Bubbles. Salamat po ng marami at sana patuloy niyo parin supportahan ang Batang Quiapo. "

"Hanggang sa muli, Bubbles signing off."

Matatandaang kamakailan lamang ay umugong ang tsikang tsutsugihin na si Ivana sa serye dahil daw sa "attitude."

Pinabulaanan naman ito ng manager ni Ivana at sinabing marami na kasing commitments na hindi nadadaluhan si Ivana dahil sa taping sa Batang Quiapo, na dapat daw ay tatlong buwan lamang subalit na-extend nang na-extend ito dahil pumatok ang tambalan nila ni Coco.

Sa isa pang bersyon, pagod na raw si Ivana kaya hindi na siya tutuloy sa Batang Quiapo.

MAKI-BALITA: Wala raw pinapansin: Ivana Alawi, tsutsugihin na sa 'Batang Quiapo?'

MAKI-BALITA: Manager, nagsalita sa isyung 'may attitude' si Ivana kaya ligwak na sa Batang Quiapo