September 17, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

GMA Network naglabas ng pahayag kaugnay sa kinasangkutang insidente ng artist

GMA Network naglabas ng pahayag kaugnay sa kinasangkutang insidente ng artist
Photo courtesy: Philippine News Agency/Freepik

Naglabas ng opisyal na pahayag ang GMA Network kaugnay sa kumakalat na blind item patungkol sa isang baguhang aktor na umano'y ginawang "midnight snack" ng dalawang TV executives na naganap sa isang malaking showbiz event.

Lalo pa itong umingay nang maglabas ng cryptic post ang showbiz columnist na si Ogie Diaz na totoo raw na nangyari ang nabanggit na akto, na batay naman sa lumalabas na blind item. Napagtagni-tagni ito ng mga netizen at kumalat na sa iba't ibang social media page.

Pahayag ng GMA, "Online articles and posts have recently circulated regarding an alleged incident involving an artist and independent contractors of GMA Network."

"We have yet to receive a formal complaint from those allegedly involved in the issue. Should one be filed, the Network is committed to conducting a thorough and impartial investigation. We assure the public that GMA Network takes such matters with utmost seriousness."

Tsika at Intriga

Di na ba masarap panoorin? Sarap 'Di Ba, sisibakin na raw sa ere

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang napaulat na formal complaint mula sa partido ng baguhang aktor laban sa dalawang TV executives na inirereklamo.

MAKI-BALITA: Baguhang aktor, pinagsamantalahan ng dalawang TV executives?