September 20, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ginawang kahalayan sa baguhang aktor, kasinsahol ng kuwentong 'Xerex?'

Ginawang kahalayan sa baguhang aktor, kasinsahol ng kuwentong 'Xerex?'
Photo courtesy: Ogie Diaz (FB)/Freepik

Usap-usapan ang cryptic post ng showbiz insider na si Ogie Diaz kaugnay sa usap-usapang "sexual assault" ng umano'y dalawang personalidad mula sa isang TV network sa isang baguhang aktor.

Mababasa sa My Story ng Facebook account ni Ogie, kung ilalarawan daw ang nangyari ay para itong mga kuwentong mababasa sa isang sikat na sex column noon ng isang lokal na pahayagan.

"Juice ko, yung ginawa sa biktima, parang nagbabasa ka lang ng Xerex sa Abante nu'ng araw kung ilalarawan mo. Try to imagine," anang Ogie.

"Basta ang premise, hindi gusto ng biktima ang ginagawa sa kanya kahit nakikiusap siya na 'wag please, hinahanap na po ako ng girlfriend ko.' Traumatized."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Ang ending: may depression, panic attack, anxiety, ptsd ang biktima. Kayamadalas mag-breakdown," dagdag pa.

Samantala, usap-usapan ang makahulugang Facebook post ng dating child actor na si Niño Muhlach, na ipinagpapalagay ng mga netizen na konektado sa isyu.

Mababasa sa Facebook post ni Niño, "INUMPISAHAN NYO, TATAPUSIN KO!"

MAKI-BALITA: Cryptic post ni Niño Muhlach, usap-usapan: 'Inumpisahan n'yo, tatapusin ko!'

Bagama't hindi pa tiyak, lumulutang kasi ang pangalan ng kaniyang anak na si Sandro Muhlach na baguhang aktor na tinutukoy raw sa blind item.

Kaugnay nga nito ay naglabas ng opisyal na pahayag ang GMA Network upang kondenahin ang insidente.

Pahayag ng GMA, "Online articles and posts have recently circulated regarding an alleged incident involving an artist and independent contractors of GMA Network."

"We have yet to receive a formal complaint from those allegedly involved in the issue. Should one be filed, the Network is committed to conducting a thorough and impartial investigation. We assure the public that GMA Network takes such matters with utmost seriousness."

MAKI-BALITA: GMA Network naglabas ng pahayag kaugnay sa kinasangkutang insidente ng artist