September 20, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

David sa mga tumatangkilik ng 'Batang Quiapo:' 'Hindi pa tayo tapos!'

David sa mga tumatangkilik ng 'Batang Quiapo:' 'Hindi pa tayo tapos!'
Photo Courtesy: McCoy De Leon (IG)

Tila magpapatuloy pa ang pagkainis ng mga tagasubaybay ng “FPJ’s Batang Quiapo” sa karakter ni dating Hashtag member McCoy De Leon na si “David.”

Sa latest Instagram post ni McCoy De Leon nitong Miyerkules, Hulyo 31, nagpaabot siya ng pasasalamat sa mga tumatangkilik sa naturang primetime series.

“Maraming salamat po sa mga lahat ng tumatangkilik sa FPJ’s Batang Quiapo. ” saad ni McCoy.

Dagdag pa ng aktor: “Hindi pa tayo tapos -David”

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

Umani tuloy ng mga nakaaaliw na reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post ni McCoy. Narito ang ilan sa kanilang mga reaksiyon:

"David ang tatay ko mauuna sa langit highblood na sayo"

" luv u mccoy de leon kahit gigil aq sayo idol kita galing mo"

"Yan nagpapatunay na masamang Damo ka!!!!"

"Si coco martin dapat ang sisihin nyo kase sya ang derektor ehh si david sumusunod lng sa utos"

"Ako ang papatay sayo David.Gigil mo ako"

"Naiinis ako Hahhaha"

"Nakakainis ka na David, bat di ka mamatay matay!"

"Hindi pwede mamatay ng maaga si david kase isa sya inaabangan sa Batang Quiapo. Kagigil kase "

"Yare ka ngayon kay olga"

"the best ka david. paanakin mo naman muna si camile"

Matatandaang si David ang tumodas sa karakter ni Kapamilya sexy actress Ivana Alawi kaya tuluyan nang namaalam si Bubbles sa “Batang Quiapo.”

MAKI-BALITA: Ivana Alawi, tinuluyan na sa Batang Quiapo

Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon na ng eksena sa serye sina McCoy at Nikko Natividad na dati niyang kagrupo.

MAKI-BALITA: McCoy De Leon, pinutukan si Nikko Natividad