September 12, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Darryl Yap windang sa GMA, bilib sa ABS-CBN: 'Sa kanila, walang nagrereklamo!'

Darryl Yap windang sa GMA, bilib sa ABS-CBN: 'Sa kanila, walang nagrereklamo!'
Photo courtesy: Darryl Yap (FB)/GMA Network/ABS-CBN

Usap-usapan ang makahulugang Facebook post ng direktor na si Darryl Yap kaugnay sa isyu ng umano'y pananamantala ng dalawang independent contractors ng GMA Network sa isa nilang baguhang artist, na pinapangalanan ng mga netizen na si Sandro Muhlach, anak ng dating child star na si Niño Muhlach.

Aniya sa kaniyang post, grabe ang balita tungkol dito subalit bilib siya sa ABS-CBN, dahil sa kanila raw ay walang nagrereklamo.

"grabe yung balitang may nangrape na GMA executives sa artista mismo nila. dito ako bilib sa ABSCBN… sa kanila, walang nagrereklamo," aniya.

Photo courtesy: Darryl Yap (FB)

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

Tsika at Intriga

Payo ni Valentine kay Chloe: 'Beh matuto ka gumalang sa mas nakakatanda sayo!'

"Very True ito hahaha. kaya puro kahalayan ang mga palabas sa kanila eh, ginagawa nila i-normalize sa tao yung mga ganuong bagay."

"Yan nga lagi low Budget Ang kabila station, makikita nman kahit sa mga plabas nila. Kapuso emedora!"

"Makasaysayang penthouse ng ABS hahaha."

"Grabe tlga Yun rekdi ang tindi :))"

"Baka natapalan na hahaha."

Samantala, naglabas na rin ng opisyal na pahayag ang GMA Network kaugnay sa isyu.

Si Niño naman, nagpakawala ng cryptic post na hula ng mga netizen ay pagbabanta sa mga hakbang na gagawin niya upang ipagtanggol ang anak.

MAKI-BALITA: Cryptic post ni Niño Muhlach, usap-usapan: 'Inumpisahan n'yo, tatapusin ko!'

MAKI-BALITA: GMA Network naglabas ng pahayag kaugnay sa kinasangkutang insidente ng artist