September 09, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Cryptic post ni Niño Muhlach, usap-usapan: 'Inumpisahan n'yo, tatapusin ko!'

Cryptic post ni Niño Muhlach, usap-usapan: 'Inumpisahan n'yo, tatapusin ko!'
Photo courtesy: Screenshot from Start-Up PH via IMDb

Usap-usapan ang makahulugang Facebook post ng dating child actor na si Niño Muhlach, na ipinagpapalagay ng mga netizen na konektado sa lumalabas na blind item patungkol sa isang baguhang aktor na pinagsamantalahan umano ng dalawang TV executives sa isang naganap na malakihang showbiz event.

Mababasa sa Facebook post ni Niño, "INUMPISAHAN NYO, TATAPUSIN KO!"

Niño Muhlach - INUMPISAHAN NYO, TATAPUSIN KO! | Facebook

Bagama't hindi pa tiyak, lumulutang kasi ang pangalan ng kaniyang anak na si Sandro Muhlach na baguhang aktor na tinutukoy raw sa blind item.

Tsika at Intriga

Sofia keber kung ma-link si Kathryn kay Alden: 'Bahala siya, matanda na siya!'

Kaugnay nga nito ay naglabas ng opisyal na pahayag ang GMA Network upang kondenahin ang insidente.

Pahayag ng GMA, "Online articles and posts have recently circulated regarding an alleged incident involving an artist and independent contractors of GMA Network."

"We have yet to receive a formal complaint from those allegedly involved in the issue. Should one be filed, the Network is committed to conducting a thorough and impartial investigation. We assure the public that GMA Network takes such matters with utmost seriousness."

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens patungkol sa cryptic post ng aktor:

"pagbayarin ang mga may sala para huwag pamarisan.."

"God bless po,si God bahala.sana mapanagot Ang maysala"

"Dapat lng manaig ang hustiya bilang magulang lahat gagawin natin para sa anak natin at walang sinuman ang pwede makapanakit sa knila."

"Go lang Onin nasa likod mo kami."