September 19, 2024

Home SHOWBIZ

Angeli Khang, Robb Guinto nagbenta ng lingerie kay Boss Toyo

Angeli Khang, Robb Guinto nagbenta ng lingerie kay Boss Toyo
screenshot Pinoy Pawnstars/FB

Sinadya ng Vivamax stars na sina Angeli Khang at Robb Guinto si Boss Toyo para ibenta ang kanilang lingerie. 

Sa episode 391 ng Pinoy Pawnstars, ibinenta nila Angeli at Robb ang kanilang lingerie na ginamit daw nila sa kanilang upcoming movie na "Unang Tikim."

Unang offer nila ay ₱50,000 per piece na agad tinanggihan ni Boss Toyo. 

Ang huli nagkasundo sila sa presyong ₱7,500 kung saan bundle na makukuha ang mga lingerie nila. 

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

"BILHIN NYO NA FRESH PA YAN HAHAHA ginamit sa #UNANGTIKIM movie namin ni Angeli Khang," saad ni Robb sa comment section. 

"Bundle lingerie namin ni Robb Guinto ₱7,500 na lang!! San ka pa," saad naman ni Angeli.

Samantala, ilalagay daw ni Boss Toyo sa museum niya ang mga lingerie.