January 22, 2025

Home BALITA Eleksyon

ALAMIN: Proseso ng voter registration at ano ang mga kailangang dalhin

ALAMIN: Proseso ng voter registration at ano ang mga kailangang dalhin
Photo courtesy: Juan Carlo de Vela/MB

NAKAPAGPAREHISTRO KA NA BA?

Sa Setyembre 30, 2024 na ang nakatakdang deadline ng voter registration para sa 2025 National and Local elections, kaya kung hindi ka pa nakakapagparehistro, alamin ang proseso nito at anu-anong mga dokumento ang kailangang dalhin.

Nagsimula noong Pebrero 12, 2024 ang voter registration para sa 2025 NLE at magtatapos ngayong Setyembre 30. 

Para magparehistro magtungo lamang sa Comelec offices sa inyong lugar mula Lunes hanggang Sabado, 8:00 AM - 5:00 PM. Kabilang din ang mga holiday maliban na lang kung idedeklara ito ng Komisyon. 

Eleksyon

Disposal sa 6M-balotang ‘nabalewala’ dahil sa TRO ng SC, sinimulan na ng Comelec

Sino nga ba ang maaaring magparehistro?

- Hindi bababa sa 18 taong gulang sa araw ng National at Local elections.
- Residente ng Pilipinas na hindi bababa sa isang (1) taon at sa lugar kung saan niya gustong bumoto, nang hindi bababa sa anim (6) na buwan bago ang National at Local elections.
- Hindi diniskwalipika ng batas.

Proseso ng pagpaparehistro

- Magpresinta ng valid ID.
- I-interviewhin ng registration staff
- I-fill out ang application form (CEF-1). Maaari rin itong i-download sa www.comelec.gov.ph.
- Iche-check at ive-verify ang na-fill out na application form.
- Kukuhanan ng biometrics.
- Hintayin ang acknowledgement receipt.

Listahan ng valid IDs

PhilSys National ID card
Postal ID card
PWD ID cardStudent's ID card o library card na pirmado ng school authority
Senior Citizen's ID card
LTO Driver's license/Student Permit
NBI clearance
Philippine Passport
SSS/GSIS ID o UMID card
Integrated Bar of the Philippines (IBP) ID card
Professional Regulatory Commission (PRC) license.
Certificate of Confirmation na inisyu ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) para sa miyembro ng ICCs o IPs
Barangay Identification/Certification na may larawan
Iba pang mga government issued valid IDs.

Paalala: Hindi tatanggapin ang community tax certificate (cedula), PNP clearance, at employee's ID.

Saan puwede magparehistro?

- Opisina ng Election Officer sa inyong lugar.
- Register Anywhere Program (RAP) sites
- Satellite o Mall Registration Sites

Iba pang paalala: 

Magbaon ng sariling ballpen 
Magbaon din ng mahabang pasensya lalo na kung mahaba ang pila.

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Paano nga ba i-reactivate ang voter's registration record sa Comelec?