September 20, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Tatay ng nakarelasyong boylet ni Robby Tarroza, nanligaw rin sa kaniya?

Tatay ng nakarelasyong boylet ni Robby Tarroza, nanligaw rin sa kaniya?
Photo courtesy: Robby Tarroza/Screenshots from Romel Chika Network (YouTube)

Nakakaloka ang mga pasabog ng actor-producer na si Robby Tarroza patungkol sa kaniyang mga nakarelasyon noon, sa panayam ni Romel Chika sa kaniyang vlog/YouTube channel.

Bukod kay Joed Serrano na nakarelasyon daw niya sa loob ng 20 taon, nagbigay rin ng blind item si Robby patungkol sa mga lalaking personalidad na nakaugnayan niya.

Isa na rito ang matinee idol-turned-director na anak daw ng isang sikat na komedyante sa Pilipinas na maituturing daw na "King" sa industriya. Tatlong buwan lang daw ang itinagal ng kanilang relasyon dahil "takot" daw ang nabanggit na karelasyon na may ma-fall na someone sa kaniya, pero masasabi niyang sa kaniya siya na-in-love dahil "masarap" itong magmahal.

Pangalawa naman, isang lalaking galing sa isang prominenteng pamilya sa Makati City na isang real-estate developer, at isa sa mga pinakamayamang pamilya sa Pilipinas. Naghiwalay sila matapos ang pitong buwan dahil nagpakasal na ito sa isang babae, na inaasahan sa kanilang pamilya. Pero ang nakakaloka rito, pati raw ang klosetang tatay nito ay nanligaw sa kaniya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang lalaking ito raw ang pinakaminahal niya sa lahat ng mga nakarelasyon niya.

"Sobrang secret, pati tatay niya nanligaw sa 'kin," nakakalokang rebelasyon ni Robby.

Ang isa pang nakarelasyon ni Robby ay isa namang Hollywood actor nang mga panahong international model na siya.

Paglilinaw ni Robby, nangyari ang mga ito bago niya nakilala at nakarelasyon si Joed.

MAKI-BALITA: Robby Tarroza, may ibinuking sa relasyon kay Joed Serrano: 'First week, nag-cheat na siya!'