September 20, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Robby Tarroza, nagsalita kung bakit sumawsaw sa isyu ni Francis Magalona

Robby Tarroza, nagsalita kung bakit sumawsaw sa isyu ni Francis Magalona
Photo courtesy: Screenshots from Pinoy Pawnstars, Romel Chika Network (YouTube)

Nagsalita na ang actor-producer na si Robby Tarroza kung bakit siya sumawsaw noon sa umano'y tunay na estado ng relasyon nina Francis Magalona at asawa nitong si Pia Magalona, sa kasagsagan ng paglitaw ng umano'y anak ng namayapang rapper kay Abigail Rait na si Francesca Rait.

Si Robby ang nagsabing hindi kasal sina Francis at Pia at naghiwalay na raw ang dalawa dahil sa hindi na raw natiis ng master rapper ang ugali ng huli.

Paliwanag ni Robby, nananahimik siya sa Amerika nang mabasa niya ang write-ups at artikulo patungkol nga sa paglitaw ni Abigail at Francesca sa "Pinoy Pawnstars" ni Boss Toyo para magbenta ng memorabilia ni Kiko.

Dito na sumambulat ang intrigang may anak si Francis M sa ibang babae, na matagal na rin namang usap-usapan noon subalit noong 2023 na lamang nakumpirma.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nagsalita raw siya sa isyu dahil hindi niya nagustuhan ang bashing na natatanggap ng anak ni Francis M since naging mag-bestfriend sila nito.

"I was reading things about Abigail [Rait] and kay Francis [Magalona] tapos 'yong anak, bata 'yon eh. So for me, I was watching this kid tortured, inaapi nang husto ng mga bashers, so sabi ko 'Teka muna? Parang hindi tama 'to eh bestfriend ko si Francis no'n eh.' Sabi ko 'Kawawa 'yong bata. Eh bata ;yon eh.' So who's going to fight for this child? The mother wasn't fighting, she wasn't answering. Sabi ko kay Francis, sabi ko 'Pare ako na...'"

Nanindigan si Robby na lahat ng mga nasabi niya sa post patungkol kina Francis at Pia ay totoo lamang. Wala naman daw pumalag sa kampo ni Pia, which means to say na totoo ang lahat ng mga sinabi niya.

Kung gusto naman daw pasukin ni Francesca ang showbiz bilang anak ni Francis M, may karapatan daw ito, kagaya rin ng iba pang mga anak ng master rapper.

MAKI-BALITA: Ex-lover daw, lumantad! Francis M, may anak sa labas?

MAKI-BALITA: Francis M sumaya sa piling ng iba, di kaya ugali ni Pia — producer Robby Tarroza

MAKI-BALITA: Rebelasyon ng concert producer: Pia, di kasal kay Francis M?

MAKI-BALITA: Robby Tarroza sa 'kasal' nina Francis M, Pia: 'In short, kabit si Kiko sa papel!'