September 19, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Rhian, inspirasyon ang lola sa karakter na ginampanan sa 'Pulang Araw'

Rhian, inspirasyon ang lola sa karakter na ginampanan sa 'Pulang Araw'
Photo Courtesy: Rhian Ramos (FB), Screenshot from Netflix (YT)

Ibinahagi ni Kapuso star Rhian Ramos ang inspirasyon niya sa likod ng karakter na ginampanan niya sa historical-drama series na “Pulang Araw” ng GMA Network.

Sa ulat ng GMA Integrated News noong Lunes, Hulyo 29, sinabi ni Rhian na gusto raw niyang bigyan ng parangal ang lola niya kaya niya tinanggap ang proyekto bukod sa magiging epekto nito sa mga manonood.

“In Pulang Araw, I also did it to honor my lola and all those who were alive at the time and went through that so that we don't have to. So ‘yon, doon ako na-inspire, hindi lang sa bigness of the role or budget of the project. It's more of my honoring those who came before us,” saad ni Rhian.

“Aside from being a mother and not just any kind of mother, she's the fierce kind. Ipaglalaban niya talaga ang kanyang mga anak. Aside from that, iniisip ko din kung ano ‘yong magiging symbolism ng babae na 'to for the whole project,” aniya.

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

Dagdag pa ng aktres: “Doon nga, nakikita ko na siya ‘yong Pilipinas na used, discarded. Then, her being a mom, it's a thankless job, pero I had to show her resilience because what do we hear all the time about Filipinos, we're resilient, di ba?”

Matatandaang pinuri at hinangaan ng mga netizen ang nagip pagganap ni Rhian sa karakter ni “Filipina” sa “Pulang Araw” matapos kumalat sa social media ang video clip ng isa sa mga eksena niya mula sa nasabing serye.

MAKI-BALITA: Rhian Ramos, pinuri sa pagganap sa 'Pulang Araw'