September 18, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Kahit hiwalay na: Rico, pinasalamatan pa rin si Maris

Kahit hiwalay na: Rico, pinasalamatan pa rin si Maris
Photo Courtesy: Screenshots from Rico Blanco, ABS-CBN Entertainment (YT)

Nagpaabot pa rin ng pasasalamat ang singer-composer na si Rico Blanco sa ex-jowa niyang si Maris Racal kahit hiwalay na silang dalawa.

Sa official visualizer ng kanta niyang “Kisapmata” na inilunsad niya kamakailan, makikita sa caption ng video na kabilang si Maris sa mga binigyan niya ng “special thanks.”

“Special Thanks: Mark Escueta (Guitar Amp), Maris Racal (Telecaster), Marco Bachini (Acoustic Guitar), Zild Benitez (12-string Guitar),” saad sa bahagi ng caption.

Matatandaang sa isang ginanap na press conference noong Hulyo 12 ay tila nawindang ang mga tao nang kumpirmahin ni Maris ang breakup nila ni Rico.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

MAKI-BALITA: Rico Blanco, Maris Racal hiwalay na!

Ayon sa aktres, hindi raw niya alam kung anong nangyari sa kaniya gayong sa loob ng limang taon ay pareho lang naman daw sila ni Rico na nasa iisang “pahina.”

MAKI-BALITA: Ugat ng hiwalayan: Maris Racal, nakakita ng bagong perspective sa buhay?

Gayunman, agad na nilinaw ni Maris na hindi umano sangkot ang kasalukuyan niyang ka-love team na si Anthony Jennings sa paghihiwalay nila ng singer-composer.

MAKI-BALITA: Rico Blanco, Maris Racal hiwalay na!

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon si Rico tungkol sa nangyaring hiwalayan sa pagitan nila ni Maris.