September 20, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Kunsintidorang GF sa ‘namamaklang’ jowa, tinalakan ng netizens

Kunsintidorang GF sa ‘namamaklang’ jowa, tinalakan ng netizens
Photo courtesy: Freepik/TCU Secret Files (FB)

Anong gagawin mo kung malaman mong ang boyfriend mo ay "namamakla" o nagpapagalaw sa isang beki kapalit ng pera o gamit?

Viral ang isang Facebook post kung saan mababasa ang "pagpayag" ng isang girlfriend sa ginagawa ng kaniyang boyfriend dahil makikinabang naman din siya rito.

Hindi sigurado o beripikado kung lehitimo o totoo bang naranasan ng nag-share ang sitwasyong sinabi niya o kathang-isip lamang, subalit marami ang tila naka-relate at nakalabit sa post na ito, kaya pinagmulan ng diskusyunan, batuhan ng kuro-kuro, at komento.

Ito ay naka-upload sa online community page na "TCU Secret Files."

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Mababasa sa post, "Wag lagi puso ang pairalin, dapat utak din."

"I'm not against LGBTQ community pero I'll have to take advantage din since magagamit ko yung phone sa pag aaral ko.

This kind of opportunity eh minsan lang, kaya pinayagan ko na yung boyfriend kong mamakla. Kaya pala ang daming pera neto kahit walang work, kung san san ako nililibre haha."

"Next time siguro motor na yung ihihingi ko using my boyfriend's charm. At the end of the day sakin pa din naman sya uuwi. Medyo kadiri but we gotta do what we gotta do."

"If you saw an opportunity like this, I suggest you to grab it. Sa hirap ng buhay sa Pilipinas, sa gantong way ka lang aangat."

Nakapangalan ang post sa isang "Elaine."

Kalakip ng post ang screenshot ng kumbersasyon nila ng jowa niya, kung saan kinompronta niya ito kung kailan pa siya "namamakla."

Sagot naman ng jowa, dalawang taon na raw silang magkakilala nito at wala pa talagang "all-out" na nangyayari sa kanila kundi "half half lang."

Hinahawakan lang daw ang maselang bahagi ng kaniyang katawan kapalit ng "funds."

Sa susunod nga raw, isang mamahaling cellphone na ang ibibigay sa kaniya.

Batay naman sa sagot ni Elaine, ayos lang na mamakla ang kaniyang jowa basta walang mangyayari sa kanila.

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Nakalimutan na atang sumaya ng pinas sa mga jokes base sa comsec"

"Hahahahahaha sana iPhone 15 na lang..."

"Ay matindi si ateng hahahaha."

"User na nga bf mo, pero mas user ka pa din. D ngpatalo couple goals."

"Hindi ko alam kung kanino ako maiinis, doon sa BF o doon sa GF hahahaha."

"Ay, benefits sa benefits hahahaha."

"Like boyfriend, like girlfriend hahaha."

"si ate naman proud pa sa pinaggagagawa niya"

"Basta nagkasundo ok lang yan basta wag lang saktan at nakawan pareho nyo namn napaligaya ang isa't isa."

"mahiya naman kayo sa balat n'yo, bakit need kunsintihin ang boyfriend mo imbes na pagsabihan mo?"

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 11k laugh reactions, 1.4k shares, at 1.3k comments ang nabanggit na post.

Ikaw, anong masasabi mo tungkol dito?

-------------------------------------------------------------------------------------

Disclaimer: Bagama’t ang kuwentong ito ay inaako ng may-akda na mula sa tunay na pangyayari, hindi maaaring kumpirmahin o itanggi ng Balita ang katotohanan sa mga detalye at impormasyong nakasaad dito.