September 18, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Stuntwoman na 'dobol' ni Kim Domingo, nagpasalamat pa sa bashers

Stuntwoman na 'dobol' ni Kim Domingo, nagpasalamat pa sa bashers
Photo courtesy: Kayley Carrigan, Kim Domingo (FB)

Hindi makapaniwala ang stuntwoman na si Kayley Carrigan nang madagdagan pa ang kaniyang social media followers matapos ang kaniyang ginawang pagpalag sa isang Facebook post na umookray sa kaniya.

Ikinumpara kasi ang looks niya sa aktres na si Kim Domingo na bagong pasok sa action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo" kung saan siya ang nagdodobol o gumaganap na karelyebo sa mga bakbakan at maiinit na eksena.

Kim Domingo - MADONNA | Facebook

Nakarating sa kaalaman ni Carrigan ang mga pintas ng ilang netizen na kesyo ang layo raw ng hitsura kay Kim ng dobol niya.

Tsika at Intriga

Julia, Coco kumuha raw ng property sa Spain; doon na nga ba maninirahan?

"There's a post from an unknown page about making fun of my looks (even reacting 'haha') from behind the fight of Tanggol vs. Madonna in FPJ's Batang Quiapo. Yes, I doubled Kim Domingo started from the motorbike and fight scene," aniya.

"Tbh, I don't prioritise reading a lot of negative posts or comments of people (like bullying, power/guilt trips, or discrimination) that would affect my mental and emotional health. I keep focusing on action work and myself to make me feel better physically and mentally," aniya pa.

Nagpaalala naman siya sa "younger people" na maghinay-hinay sa mga ipinopost nila dahil baka nakakasakit na sila ng damdamin ng iba.

"Anyway, smile lang and look on the good and bright side. Have a blessed day!" aniya na lang.

Sa panibagong Facebook post ay ibinahagi na nga ni Carrigan ang pagdami ng kaniyang followers sa social media. Nagpasalamat na lamang siya sa kaniyang bashers, at siyempre, sa mga kaibigan, kapamilya, katrabaho, at mga kakilalang tunay na sumusuporta at nagmamahal sa kaniya.

"Speechless. Unexpected. And surprised."

"I never thought about this..."

"To all the bashers, you made me stronger, better and blessed. Thank you, next! "

"To all my family, friends, colleagues and whoever defended and supported me and my career. You made me feel loved and kinder. Thank you so much for everything! "

"I hope you are all doing fine after the typhoon. Take care always and God Bless us everyone. "

Kayley Carrigan - Speechless. Unexpected. And surprised. I never... | Facebook

Batay sa kaniyang posts ay matagal nang nasa industriya ng pagiging stuntwoman si Carrigan.