September 19, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Ruru nag-react sa tatay na mas lodi at hinahangaan si Coco

Ruru nag-react sa tatay na mas lodi at hinahangaan si Coco
Photo courtesy: Ruru Madrid (FB)/FPJ's Batang Quiapo (FB)

Nagbigay na ng reaksiyon si Kapuso star at "Black Rider" lead actor Ruru Madrid sa viral video ng isang tatay na binigyan niya ng TV sa pamamagitan ng morning show na "Unang Hirit" subalit ang binanggit na iniidolo at hinahangaan daw ay si Coco Martin, na bida-direktor ng action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo" na katapat naman ng BR.

"'Tay papaano ka manonood ng 'Black Rider' kung sira ang TV mo?" tanong ni Ruru.

"Kung bibili kaming bago, wala kaming budget..." honest na sagot nito.

"Huwag kang mag-alala 'Tay dahil nandito ang Unang Hirit! Meron kang bagong TV, makakanood ka na ng Black Rider," sabi naman ni "Elias."

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

Pero sabi ng tatay, "Ang napapanood ko, hinahangaan ko si Coco..."

Sa comment section ng isa sa mga ulat patungkol dito ay nagkomento naman si Ruru.

Aniya, kahit naman siya ay idolo at hinahangaan niya si Coco, bagay na inamin naman din niya noon sa ginanap na media conference ng nabanggit na serye.

"Kahit naman po sino sobrang hinahangaan at iniidolo po si Sir Coco! Maging ako po at alam po ni Sir Coco yun! Hehe. Labyu Tay!" anang Ruru.

"Salamat pa din po tay kasi kabisado nya ang pangalan ng bawat karakter ng Black Rider!"

"Suportahan po natin ang lahat ng mga programang gawang Pinoy!" saad pa ni Ruru.

MAKI-BALITA: Ruru namigay ng TV sa isang lolo, pero nabanggit pangalan ni Coco