November 25, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Rhen Escaño, sikretong jowa nga ba ni Paulo Avelino?

Rhen Escaño, sikretong jowa nga ba ni Paulo Avelino?
Photo courtesy: Paulo Avelino (IG)/Rhen Escaño (IG)

May kumakalat pa lang tsika na umano'y may lihim na girlfriend ang Kapamilya star at isa sa A-list leading men ng ABS-CBN ngayon na si Paulo Avelino.

Ito ay walang iba kundi ang aktres na si Rhen Escaño, na madalas ay napapanood sa shows ng ABS-CBN at TV5.

Sa panayam kamakailan ng ilang media people kay Aster Amoyo, talent manager ni Rhen, na naitampok din sa social media pages ng ilang lokal na pahayagan, itinanggi niyang may kaugnayan ang alaga kay Paulo at hindi rin niya alam kung paano nagsimula ang ganitong intriga.

Pumalag si Aster sa pagkaka-link ng alaga kay Paulo dahil nababash ito ng fans ng "KimPau," ang tambalan nina Paulo at Kim Chiu na nagsimula sa matagumpay na seryeng "Linlang," na nagtuloy-tuloy sa Philippine adaptation ng "What's Wrong with Secretary Kim."

Tsika at Intriga

Angeline, si 'Mariah Carey' ang peg pero mas kalokalike daw ni Madam Inutz

Sana raw ay mahinto na ang bashing sa alaga dahil naaapektuhan na rin ito. Bilang "nanay-nanayan," mas nasasaktan daw siya para sa alaga.

Ikinapagtataka rin ni Aster kung bakit nauugnay ang alaga kay Paulo dahil wala raw siyang natatandaang nagkasama ang dalawa sa proyekto, at hindi rin umano close o malapit ang dalawa.

Sana raw ay huwag nang i-bash si Rhen dahil below the belt na ang mga natatanggap nitong hate comments mula sa netizens.