September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Mark Anthony tinablan sa 'chukchakan scene' nila ng Vivamax star?

Mark Anthony tinablan sa 'chukchakan scene' nila ng Vivamax star?
Photo courtesy: Vivamax/Mark Anthony Fernandez (IG)

Matapos mag-viral ang aktor na si Mark Anthony Fernandez dahil sa umano'y kumakalat na maselang video sa social media, muling binalikan ng mga netizen ang mga panayam sa kaniya noon matapos gumawa ng proyekto sa Vivamax.

Ang Vivamax ay isang online-streaming app sa ilalim ng VIVA Films kung saan pinapalabas ang "adult contents" na may subscriptions.

Umamin kasi si Mark Anthony na tila tinablan siya sa maiinit na eksena nila ng kaniyang kapartner sa isang pelikulang ginawa.

Nangyari ang pag-aming ito sa media conference ng pelikulang "Package Deal" kung saan leading lady niya ang pharmacist-turned-sexy star na si Mariane Saint.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Although hindi tinukoy ni Mark kung sino ang co-actress na kaniyang kapareha nang "silaban" siya sa kanilang mga eksena, hindi raw pumayag ang nabanggit na leading lady sa gustong mangyari ng aktor. 

"One time, sobrang nagkagustuhan kami ng co-actress ko. 'Totohanin na kaya natin 'to?" sey ni Mark Anthony.

Pero tumanggi raw ang aktres at ang direktor at baka kagalitan daw sila ng kanilang mga boss.

Paglilinaw naman ni Mark Anthony na "joke time" lang din ito at prank lang sa media people na dumalo sa kanilang media conference ng pelikula.

MAKI-BALITA: Mark Anthony Fernandez, may kumakalat na maselang video?

Anyway, going back naman kay Mariane, inamin ni Mark Anthony na tinangka niyang ligawan ito at hiningi ang number subalit "binasted" na siya agad. 

Bagay na inamin naman ni Mariane dahil mas gusto raw niyang maging professional lamang sila ni Mark Anthony.