November 24, 2024

Home BALITA National

Catanduanes, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol; M4.6 naman sa Davao Occidental

Catanduanes, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol; M4.6 naman sa Davao Occidental
Courtesy: PAGASA/FB

Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Catanduanes habang magnitude 4.6 naman sa Davao Occidental nitong Linggo ng madaling araw, Hulyo 28, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, parehong tectonic ang pinagmulan ng dalawang lindol.

Nangyari ang lindol sa Catanduanes dakong 12:56 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 29 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Bagamanoc, Catanduanes, na may lalim na 10 kilometro.

National

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Samantala, nangyari ang lindol sa Davao Occidental dakong 1:01 ng madaling araw.

Namataan naman ang epicenter nito 467 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Sarangani Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 186 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng dalawang lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing mga pagyanig.