Hindi umano makapagtatanghal ang leader ng BINI na si Jhoanna Robles sa gaganaping KCON Los Angeles 2024.
Sa official Facebook page ng BINI noong Sabado, Hulyo 27, sinabi nila ang dahilan kung bakit hindi makakapagtanghal si Jhoanna.
"Due to unanticipated health issues, Jhoanna will not be able to participate in KCON LA 2024. Rest assured that she is being monitored closely and recovering well,” saad sa inilabas na advisory ng P-pop girl group.
Dagdag pa nila: “Let’s keep supporting the other members and join us in this celebration of culture, music, and excellent performance.”
Ang KCON LA ay isa sa mga pinakamalaking K-pop music festival na gaganapin sa Amerika at isa umanong historical milestone sa BINI ang maging bahagi nito.