October 08, 2024

Home SHOWBIZ

Kira Balinger nag-donate sa mga nasalanta ng bagyo, may pa-quote kay 'Darna'

Kira Balinger nag-donate sa mga nasalanta ng bagyo, may pa-quote kay 'Darna'
Photo courtesy: Kira Balinger (IG)

Ibinahagi ng Kapamilya actress na si Kira Balinger ang pagbibigay ng donasyong relief goods sa mga pamilya at residenteng nasalanta ng bagyong Carina at habagat noong Miyerkules, Hulyo 24 hanggang 25.

Bongga ang panghihikayat ni Kira sa lahat na tumulong din kung may kakayahan naman, gamit pa ang quote ng mga linya ni Jane De Leon sa "Mar's Ravelo's Darna: The TV Series" kung saan napabilang din sa cast si Kira.

"Darna once said 'Ang pinaka malaking kasalanan ay kapag may kakayahan kang tumulong pero wala kang ginawa.' That’s one good thing that really stuck with me from that show," ani Kira.

Namahagi si Kira ng tulong sa Tumana, Marikina City kung saan malapit ito sa taping venue ng kanilang sitcom na "Padyak Princess" na pinagbibidahan ni Miles Ocampo sa TV5.

Tsika at Intriga

Kris Aquino, nagsalita sa chikang ikinasal na siya sa non-showbiz boyfriend

"I’m not Darna, but just a simple person who wanted to share my blessings to those who were affected by super typhoon Carina. It just so happens that Tumana, Marikina, is where we shoot Padyak Princess! It was impossible to turn a blind eye to the people from there who we always see whenever there is taping."

"To the barangay captains whom I met with earlier, thank you for accommodating us and for doing your best during this stressful situation! "

"To the Singkusing community, I hope my help gets to you It is not very much pero sana makatulong kahit paano. "

Paglilinaw ni Kira, "This post is not to 'brag' But to hopefully encourage others to help too. These people have lost literally EVERYTHING to the flooding. It was incredibly difficult to even get to the barangay hall due to all of the wreckage/ruined belongings that are dumped by the road. A little help goes a long way! "