September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Karen Davila, may nilinaw matapos kuyugin ng SB19 fans

Karen Davila, may nilinaw matapos kuyugin ng SB19 fans
Photo courtesy: SB19, Karen Davila, and BINI (FB)

Bumawi na ang ABS-CBN news anchor na si Karen Davila sa A'Tin o tawag sa avid fans at supporters ng all-male Pinoy Pop group na SB19 matapos ang kaniyang naging pahayag sa pagtatapos ng TV Patrol, ang flagship newscast ng ABS-CBN.

Nagbigay kasi ng komento si Karen na ang Nation's all-female Pinoy Pop group na "BINI" ang magbubukas ng Pinoy Pop na makilala globally, kagaya ng iba pang pop group mula sa South Korea.

Bagay na pinalagan naman ng mga tagahanga at tagasuporta ng SB19 dahil anila, bago pa man ang BINI ay nagawa na ito ng male group.

Kaya naman sa isang X post, muling nilinaw ni Karen ang dahilan ng pagkaka-bash sa kaniya.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

"SB19 first opened the doors for PPOP internationally and made history! BINI is carving their own - being the first all girl group to hit it big."

"I should’ve been more specific. SB19 & BINI, you make us all proud! And may you both open more doors for aspiring local artists "

"Both are Proudly Filipino " aniya pa.

Marami naman sa mga tagahanga at tagasuporta ng SB19 ang nagpasalamat sa paglilinaw ng batikang broadcaster.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang SB19 tungkol sa isyu.