December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

'Bigla ko siyang kinonfront!' Ruru Madrid, sinampal ni Philip Salvador

'Bigla ko siyang kinonfront!' Ruru Madrid, sinampal ni Philip Salvador
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Public Affairs (YT)

Ibinahagi ng “Black Rider” lead star ang pinakanaaalala niya noong mine-mentor siya ng batikang aktor na si Philip Salvador.

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, sinabi ni Ruru na sa mismong studio umano ng FTWBA  siya unang beses sinampal ni Salvador.

“Sinampal dahil nago-audition ako. Tapos siguro hindi ko makuha ‘yong eksena. It was a very first time. [...] Hindi siguro lumalabas ‘yong emosyon ko,” kuwento ni Ruru.

“Ang monologue, pinabasa sa akin, about sa tatay na naglalasing. So parang bigla ko siyang kinonfront,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dagdag pa niya: “Dahil siguro hindi niya maramdaman sabi niya, ‘isipin mo ako tatay mo.’ Tumayo siya, lumapit siya sa akin. Pagkasabi ko ng ‘alam mo, ‘Tay’ pang!”

Bagama’t tila nagulat si Ruru at hindi alam kung ano ang magiging reaksiyon, nakabawi rin naman daw siya at itinuloy ang kanilang eksena ni Salvador.

“Ang ginawa ko, Tito Boy, tinuloy ko ‘yong eksena. ‘Kita mo, sinampal mo ako. Bakit mo ako ginaganito?’ Tapos umiiyak na ako. Sabi niya: ‘Good. ‘Yan ‘yong hinahanap ko sa ‘yo,’” aniya.

Matatandaang si Salvador ang nagsilbing mentor ni Ruru sa reality show ng GMA Network na “Protege” at bago matapos ang “Black Rider” ay muli silang nagkaroon ng pagkakataon na mag-reunite.