September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ogie Diaz, inimbestigahan maselang video ni Mark Fernandez: 'Hindi ko siya inenjoy!'

Ogie Diaz, inimbestigahan maselang video ni Mark Fernandez: 'Hindi ko siya inenjoy!'
Photo Courtesy: Ogie Diaz (FB), Screenshot from Showbiz Updates (YT)

Inamin ng showbiz insider na si Ogie Diaz na inimbestigahan daw niya ang maselang video ng aktor na si Mark Fernandez na kumalat kamakailan.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Huwebes, Hulyo 25, sinabi ni Ogie na bagama’t inimbestigahan niya ang nasabing video ay hindi naman daw niya ito inenjoy.

“Sa totoo lang, dapat mag-iingat si Mark. Ayan, lumabas na. Hindi natin alam sino bang naglabas no’n. Silang dalawa lang no’ng girl ang nandoo’n. Kaninang camera ‘yong gamit?” saad ni Ogie.

“At talagang inedit pa ‘yong ibang portion. Talagang iba-iba ‘yong positioning…ng pag-a-acrobat. Nakakaloka ng taon, e,” wika niya.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Dagdag pa ng showbiz insider: “Ako inimbestigahan ko lang naman ‘yon. Hindi ko siya ininejoy. Parang lumabas lang na habang pinapanood ko siya, parang alam mo ‘yon, imbestigador lang ako.”

Matatandaang minsan nang pinayuhan ni Ogie si Mark sa isa ring episode ng kaniyang showbiz-oriented vlog dahil sa pagpapakita umano nito ng “bird” sa isang pelikula.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz, pinagsabihan si Mark Fernandez nang makita 'bird' ng aktor