October 06, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Karla Estrada, hiwalay na sa non-showbiz boyfriend?

Karla Estrada, hiwalay na sa non-showbiz boyfriend?
Photo Courtesy: Karla Estrada (FB)

Tila naintriga umano ang mga netizen sa kasalukuyang kalagayan ng relasyon ni TV host-actress Karla Estrada.

Kapag binisita kasi ang Instagram account ni Karla, makikitang hindi na siya naka-follow sa non-showbiz boyriend niyang si Jam Ignacio. Gayundin naman ang huli kay Karla. 

Bukod dito, burado na rin umano sa Instagram account ni Jam ang mga larawan nila ni Karla. Pero sa Facebook account ni Karla, naroon pa rin naman ang huling larawan nila ni Jam noong Marso 2023.

Palaisipan tuloy sa maraming netizens kung hiwalay na ba ang dalawa o sadyang may pinagdadaanan lang ang kanilang relasyon katulad ng tipikal na mag-jowa.

Tsika at Intriga

Heart 'naiyak' dahil sa bagong glam team, anyare?

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon sina Jam at Karla tungkol sa nasabing intriga.

Matatandaang unang naispatang magkasama sina Karla at Jam sa ginanap na anniversary party ng District 8 restobar sa San Juan City noong Agosto 2019.